|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Barangay Tristan
give-a-gift project '09(year 5)
Mag-Dedecember na ulit. Ang bilis ng panahon. Ang daming bagyo na dumaan sa ating bansa na labis na nakapagbigay ng labis na kalungkutan sa marami nating kababayan. Pero ang buhay ay di natatapos dyan. Mas marami sa atin ang higit na pinagpala dahil naligtas tayo sa mga delubyong yan. At isang paraan para maipakita ang pasasalamat natin ay ang pamamahagi sa mga kababayan nating kapus-palad ngayong Pasko. Kaya inaanyayahan namin kayo na makabahagi sa ika-5 na taon ng GAG o Give-A-Gift Project ng Tristancafe. Ito ang taunang pamamahagi ng site members na nais i-share ang kanilang blessings sa nagdaang taon. Open din ito sa mga non-members na nais maging makabuluhan ang Pasko. Ang inyo pong mga donasyon ay dadalhin sa Home for the Aged, Boystown, Payatas at babahagian din po ang mga streetchildren na madadaanan. Sa mga nais makibahagi sa Give-a-Gift Project, maari pong i-donate ang mga sumusunod : 1. Mga pagkain gaya ng bigas, de-lata, noodles/pancit canton, kape, asukal, juice, etc. 2. Used clothes 3. Toys 4. Used books and other reading materials or educational stuffs 5. Medicines (we prefer the over-the-counter drugs like food supplements, vitamins, paracetamol, etc.) 6. Cash donations 7. Anything that you can find in your house or stockrooms na pwede pang magamit like mats, brooms, blankets, etc. Sa mga nais mag-donate, narito ang paraan: 1. Sa mga taga-Manila at karatig pook, maaari na po kayong magsimulang mag-donate. At sa mga nasa malayong probinsya at mga nasa abroad na gustong magdonate ng goodies, magsend lang ng e-mail sa amin para malaman kung saang address pwede nyo ipadala ang donations nyo. (See e-mail address below) 2. Hanggat maaari, hindi namin hinihikayat ang cash donations, ngunit sa mga Tristanians na nasa abroad o sa ibang nasa malayong lugar na nais mag-donate at ito ang pinakaconvenient sa kanila, mangyari lamang na mag-email sa amin para sa bank details. (See e-mail address below) 3. Ang last day po ng pagbibigay ng donations ay sa December 12, 2009. Sa lahat po ng pupunta sa araw na ito, hinihingi po namin ang tulong ninyo sa pag-rerepack ng mga donations. Inuulit po namin na hindi po namin inoobliga ang lahat ng Tristanians na magdonate. Kusang loob po ang proyektong ito. Ang hinihiling po namin ay ang inyong panalangin at suporta para sa nasabing proyekto. Ipinaaabot na namin ang aming taus-pusong pasasalamat sa inyong lahat at sa mga taong nasa likod ng proyektong ito. : t h a n k y o u : Mabuhay ang mga Tristanians! Gawing makabuluhan ang pagtambay ng mga taong walang magawa sa buhay ngayong Kapaskuhan. Dahil ang mga Tristanians di lang pang-forum, pang-charity works pa! : a w a r d : We encourage comments and suggestions from you to make this project more successful. To know more about the details of this project, you may send your e-mails to giveagiftproj@gmail.com. Merry Christmas and a very Happy New Year to all! God bless. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Kunin mo dito sa CARSON marami ako Pamasko para sa inyo...
puntahan kita sa mansion mo te dims maybe next week..
mishooo and the sisiws ![]() for uno and dos.:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories TeenAgeDrama, jaxpher, awtsuno_47, frau, CookieMonster, and 65 guests |