|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Patawa Ka Talaga
Scary Story 1
Halina kayo at magtipon sa aking harapan. Maupo kayo at ako’y magsasalaysay ng dalawang kwento ng kababalaghan. Sindihan na ang kandila. At ipatong sa… sa… sino ba ang dapat na magdadala ng bungo, ha?
Bueno, narito ang unang kwentong pinamagatang… BALETE DRIVE Si Elaine ay isang maganda, matalino, at matagumpay na Account Executive sa isang malaking advertising company sa Ortigas. Bandang alas-nuwebe ng gabi, lulan ng kanyang magarang sasakyan, nagmamaneho si Elaine sa kahabaan ng Gilmore Avenue. Katatapos pa lang niyang maisara ang isang mahalaga at malaking business deal. Patungo si Elaine sa kanilang tanggapan sa may Ortigas Avenue. Gabi na, subali’t kinakailangan niyang bumalik sa opisina. Sa kalayuan, namataan niya ang mabigat na traffic sa intersection. Umiwas ang dalaga at kinabig ang manibela patungong Balete Drive. Madilim ang kalsada at ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sa kanyang sasakyan. Ipinasya ni Elaine na magmadali. Tinawagan niya sa cellphone ang kanyang boss, “Sir, I’ll be a bit late… Yeah, heavy traffic e… Yup, I got the contract… I’ll be there in…” Huli na nang mapansin ni Elaine ang pagtawid ng isang batang babae'ng may dalang bilao sa harap ng kanyang sasakyan. Nabundol niya ito at tumilapon. Huminto si Elaine at lumabas ng sasakyan upang siyasatin ang bata. Hindi na kumikilos ang kawawang paslit. Nalito si Elaine, lalo pa nang makita niyang duguan ang ulo ng batang ngayo’y nakahandusay sa gilid ng daan. Luminga-linga siya sa paligid. Napuna niyang walang tao. Samakatuwid, walang nakakita sa mga pangyayari. Nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan si Elaine at mabilis siyang tumakas. Sa kanyang pag-uwi ay balisang-balisa si Elaine. Kaya minabuti niyang balikan ang Balete Drive. Maghahatinggabi na nang siya’y huminto sa pinangyarihan ng sakuna. Lumabas siya ng sasakyan at nilapitan ang lugar na alam niyang kinalalagyan ng batang nabundol niya kanina. Nagtaka siya. Dahil malinis ang kalsada na parang walang naganap na aksidente. Sa pagtalikod ni Elaine upang bumalik sa kanyang sasakyan ay biglang bumulaga sa kanyang harapan ang isang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok nito at tila maputla ang kutis ng mukha. Napasigaw si Elaine at halos natabig ang bilaong dala-dala ng kaharap. Nagsalita ang babeng nakaputi. Mababa at malamig ang boses nito at marahan ang pananalita. “Ale, puto po. Pakyawin niyo na,” wika ng kaharap, “Kanina pa pong umaga kami naglalako ng anak ko.” Kahit nagtataka si Elaine sa biglaang paglitaw ng babae ay minabuti niyang kumilos nang di-kahina-hinala. “A, e… sige. Papakyawin ko na,” nalilito niyang sagot. Nakangiting tumitig kay Elaine ang babaeng nakaputi, “Maraming salamat po, ale.” “S-S-S-Sabi mo... kasama mo ang anak mo? N-N-N-Nasaan siya?” kabadong tanong ni Elaine. “Bigla na lang pong nawala. Dito po siya nagawi kaninang alas-nuwebe.” malungkot na ungol ng babae. Kinilabutan ang dalaga at pinagpawisan nang malapot! Kailangang makaalis na siya. “Ah… ano… sige! Ibalot mo nang lahat yung tinda mo,” balisang sinabi ni Elaine habang nagmamadaling dumukot ng pera sa kanyang bag. “Etong 500 pesos,” abot niya sa kaharap, "Keep the change." Nang maibulsa ng babaeng nakaputi ang salapi ay dahan-dahan nitong binuksan ang takip ng dalang bilao. Sa liwanag ng kanyang sasakyan sa gitna ng Balete Drive ay lumantad kay Elaine ang kahindik-hindik na katotohanan! At ang nakabibinging karimlan ay binasag ng isang malagim na pagtili ng dalaga! Hindi puto… Hindi puto ang laman ng bilao kundi… BIBINGKA! putek naman...!!!
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ba yaaaan.
poh_lee
•reply
Nov-21-09@2:26PM
cnu acoh?
hndi coh klala sarili coh.. kc kc... pulubi acoh... wala acoh pngalan at..at... cute acoh..
angelicniz21
•reply
Nov-21-09@2:31PM
de mu kilala sarili mu? pulubi ka?
kapani-paniwala pa yun.. pero kyut ka?
poh_lee
•reply
Nov-21-09@2:36PM
waaaaah!! kyut acoh kyut!!!!!!!!!!!
tska rich na coh ngaun.. nkabili na acoh ng nescafe na kopiko
angelicniz21
•reply
Nov-21-09@2:41PM
edi kyut ka. kyut-- para sa aso yun ee. pake ko kung rich ka. mabubuhay bco nung kape mu? nescafe na, kopiko pa?!
ang akala ko talaga... lalabas dun yung sa BFV nga tapos sasabihin yari ka ! ahaha
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories 2late, truyentrinh, and 34 guests |