Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Love & Intimacy
Di ko alam kung san ako magsisimula. Sa pagpapalaya ba o sa pagtanggap na nagkamali ako? Sa paghingi ba ng pagpapatawad o sa pagbuo ulit ng mga pirasong nasira ko? Hindi ko alam. Sa totoo wala naman kasi talaga akong alam. Kaya tatanggapin ko na tama ka. Mali ako. Aakuin ko lahat ng pagkakamali, hindi dahil gusto kong tumanggap ng award sa pagka martyr. Aakuin ko kasi yun naman talaga ang nararapat na gawin ng taong salbahe kagaya ko. Sinira ko yung pangako kong fairy tale. Hindi kita nadala sa palasyo. Hindi tayo nag slide slide sa rainbow. Hindi tayo naglaro sa snow. Hindi kita hinawakan sa mga panahong binabagyo ka. Hindi kita na shield sa lahat ng bagay na makakasakit sayo. Walang fairy tale. Walang happy ending.
Gusto kong sabihing mahalin mo ulit ako kagaya ng dati. Gusto kong magmakaawa. Gusto kong lunukin na lang ang pride ko. Pero tama ka ulit. Wala akong kayang ibigay kasi hindi naman ako marunong magmahal. Gusto ko ng maniwala na hindi ako capable magbigay nun, kaya hindi rin ako deserving tumanggap ng kahit anong hugis o kulay ng puso. Gusto ko ng maniwala ngayon. Sa tuwing nakikita kita, hirap na hirap ako. Gusto ko na lang pumikit. Hindi ko maisatitik kung pano kita nasaktan. Kung anong klasing sakit yung naibigay ko. Kung pano kita natakot. Kung pano kita binago. Kung pano ko napalitan yung mga pananaw mo. Gusto kong patawarin mo ako, kapag kaya mo ng ibigay yun. Kapag wala na yung galit.
Nahihiya ako sayo. Wala akong lakas ng loob para ayain ka ulit na bumuo ng panibagong mundo. Yung kahit walang palasyo, basta masaya. Hindi ko na ata masasabi yun pagkatapos kong marinig mismo sayo, kung gano ako kasama. Masakit pala. Masakit, kasi para sakin, ikaw ang bughaw na ulap. Ikaw ang palamuti sa Christmas tree. Ikaw ang buwan. Ikaw ang mundo. Ganun ka para sakin. Pero ako? Ako ang impaktang nagkukubli sa liwanag. Ako ang walang pusong nanakit sayo. Ako ang sumira sa fairy tale mo. Ako ang maitim na ulap. Ako ang purgatoryo.
Gusto kong lumuhod at humingi ng tawad sayo. Kung kaya ko lang ibalik yung mga panahong hawak hawak ka ng iba. Hindi na kita aagawin. Nangangako ako. Hahayaan kitang maging masaya sa mundo ng iba. Di bale ng hindi ko maranasan yung sayang naidulot mo simula ng maging tayo. Wag lang kitang masaktan ng ganito.
Gusto kong sabihing wag kang tumigil magmahal. Kahit hindi na para sakin. Basta wag kang titigil. Hindi lahat ng tao sa mundo, kagaya ko. May makikilala ka, maniwala ka sakin. May bubuo ulit sayo.
Sana dumating yung panahon na pag maaalala mo ako, ngingiti ka. sana dumating din yung panahong, mapapatawad ko na yung sarili ko. Sana dumating yung panahong, mararamdaman kung hindi ako kalahati sa paningin mo. Yung hindi kulang. Yung sapat, kahit bilang kaibigan na lang.
Gusto kong magpasalamat, kasi ikaw ang naging mukha ng mga tula ko. Ikaw ang bawat letra ng blog ko. Piraso mo ang nagbigay kulay sa mga kwento ko. Ikaw ang bawat iyak at tawa sa mga sinusulat ko.
Hinding hindi ka na iiyak. Pangako yan. Hinding hindi na ulit ako papasok sa mundo mo.
Dasal ko ang kaligayahan mo.
| newer post: Poem about A | older post: ^^, |
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with 
:: leave a comment
You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account?
Register for free
Register for free
| newer post: Poem about A | older post: ^^, |
last 10 comments
in this category:
in this category:
categories:
Love & IntimacyLifestyle & Entertainment
Politics & Issues
Poetry & Short Stories
Random Thoughts
Forwarded Thingies
Patawa Ka Talaga
Tristancafe Musikahan
Careers & Work Stuff
School Matters
Technology & Internet
Classifieds & Advertisements
Barangay Tristan
Site Announcements
Search the forums
