Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Poetry & Short Stories
Nakatunganga nanaman ako sa kawalan. Hindi dahil sa brokenhearted o malungkot ako. Katatapos lang kasing makapag-A walk to remember, Dear John, at The Notebook-movie marathon. I am bitten by the so called love bug. Ewan ko ba, mas trip ko ang mainlab sa movies o kaya sa mga kanta nina Nat King Cole, Nora Jones, Michael Buble, at John Mayer. Kinikilig din ako pag maraming bituin sa kalangitan, pag makakakita ako ng mga naggagandahang alitaptap, o di kaya’y habang nagpapahangin sa dalampasigan tuwing kabilugan ng buwan.
Pero sa totoong buhay – ZERO. Wala akong real-lovelife. Sabi nga ng mga magulang, kapatid, kamag-anak, at kaibigan ko, madaliin ko daw ang byaheng kasalan. Sabi ko naman, “sorry, na-trapik masyado si future bf/husband.” Happy naman ako e, peksman! Lalo na pag-nakakarinig ako ng love stories o maka-kita ng naghaharutang magsing-irog, okay na sa akin yun, makakatulog akong may ngiti sa labi. Mas nanaisin ko pa ang sumaya sa kasiyahan ng iba. At masaya ako pag may nakikita akong wagas kong ngumiti.
Katulad ng naka-ismayl na mokong habang lumalapit sa akin. Ang BEASTfriend ko. No choice na daw siyang e-bestfriend ako. Si Julian (hul-yan) , kaklase ko mula pre-school, elementary, high school, at college. Ang hero ng buhay ko sa tuwing trip ng admirers ko na mam-bully sa akin. Siya ang sandalan sa tuwing nag eemote ako, ang human-handkerchief ko sa tuwing trip kong mag drama-dramahan. Oo, kuntento ako sa buhay ng dahil sa kanya.
“Mariya” tawag niya sa akin sabay halik sa aking luscious lips. Hindi ko matandaan kailan nagsimula ang harutan naming yun, basta one day okay lang sa amin ang mag kissing scene. Sabi pa ng pamilya namin, “mag-on” na daw kami, sabi naman namin “mag-off” pa rin kami. Lambingan lang namin na binibigyang malisya ng madlang pipol.
“Hoy hulyan! Bakit ka nandito? Anyway gosssh! Kinikilig pa rin ako” nagtitili kong sambit
“Oo na inlab ka nanaman, kanina pa ako text at tawag ng tawag sa selpon mo”
“O bakit ba Hulyano?”
“Kami na ni Ingrid, at may date kami”nakangiting sagot niya
“Ganun ba, so gora na!”
“Gusto sana kitang isama e”
“Ay ano ka Hulyan? Date niyo yan e, gooooo” sambit ko habang tumatawa. Kasabay ng paghalik niya, ay ang pag-ngiti ko.
“You’re the best BEASTFRIEND! Kala ko magseselos ka eh, lam ko naman matagal mo na akong pinagnanasaan, hahahha” tumatawang saad ni Hulyan
“Ngek ngek mo hulyan! Asa ka pa! Lumayas ka na nga!” natatawang taboy ko sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit, bumulong “I love you Mariya” at hinalikan ang mga labi kong matagal nang nakalaan lamang sa kanya. Napangiti ako, loko talaga ang beastfriend ko, pero masayang masaya ako, dahil sa wakas makakakita na siya ng babaeng makakasama habang buhay.
…
After a year
“Baliw talaga ang babaeng yun, matagal ko ng tsina-tsansingan, manhid pa rin. Matagal ko ng pinag-aalayan ng katawan at kaluluwa ko wala pa rin. Ilang ulit ko ng sinabihan na ikakasal na ako, hindi pa rin rume-reply. Saksakan talaga ng katangahan. Habulin mo naman ako kahit minsan lang Mariya, nakapag-Amerika lang kinalimutan na ako”
“Julian? Are you okay?” tanong ng napakagandang si Ingrid.
“Ahm sorry yup I am okay, nalala ko lang si Mariya”
“Oh how is she?” pangungulit pa rin ni Ingrid
“Ayun hindi na ako pinapansin, okay lang baliw talaga yun minsan” sagot ni hulyan. Pero sa totoo lang halos hindi siya makatulog, hindi dahil malapit na siyang ikasal kay Ingrid, kungdi sa pag-alala kay Mariya. Ang kanyang Mariya na sa pinaka-korning joke ay tumatawa na parang walang bukas. Si Mariya na kasama niya na noong year of the dinosaur pa, at siguradong muling makakasama niya sa susunod na kabanata ng kanilang buhay.
…
“Kamusta na kaya ang mokong na iyon, sigurado eksayted na sa nalalapit na kasal” nangingiti kong sambit. Nalala ko nanaman ang nakakatuwang si Hulyan, parang baliw akong tumawa habang tinitigan ang mga naglalakihang apparatus sa aking katawan, mga kagamitang nagpapa-buhay sa akin simula ng lumala ang kanser ko.
“Todas ako sa mokong na iyon, hahahahahhahahaa. Sorry Hulyan, hindi ako makakaabot sa iyong kasal, pero see you on our next life, pramis, magiging tayo na, wag kang malulungkot ha, dahil ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko rin.
| newer post: Forever And Always | older post: Isang Dosenang Bulaklak |
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with 
:: leave a comment
You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account?
Register for free
Register for free
| newer post: Forever And Always | older post: Isang Dosenang Bulaklak |
last 10 comments
in this category:
in this category:
categories:
Love & IntimacyLifestyle & Entertainment
Politics & Issues
Poetry & Short Stories
Random Thoughts
Forwarded Thingies
Patawa Ka Talaga
Tristancafe Musikahan
Careers & Work Stuff
School Matters
Technology & Internet
Classifieds & Advertisements
Barangay Tristan
Site Announcements
Search the forums
